Thursday, June 01, 2006
Ika-1 ng Hunyo, 2006 sa ganap na alas-tres ng hapon ko isinulat ang pinaka-unang post ng taon. Tulad ng isang back-to-school scenario, ituring natin itong First day of classes. Kayo, mambabasa, ang aking mga estudyante at ako naman ang inyong guro. Sisimulan natin ang lahat sa isang "Simpleng Pagpapakilala". Ang pangalan ko ay Ayee at narito ako upang ihayag ang bawat opinyong nais kong ipahayag. Nandito rin ako upang isalaysay ang mga bagay-bagay na nagaganap, napapansin at nais maganap sa ating kapaligiran. At kung saka-sakaling maka-enkuwentro kayo ng mga "out of this world" na post ay maramating pagpasensiyahan na lamang dahil napapadalas din ang pag-andar ng imahinasyon at kahibangan ko. Kung nais niyo namang i-tama ang mga pagkukulang sa pagsusulat, magpahayag ng komento ukol sa nasabing post, puriin ang bawat post at ang may-akda, mangumusta, mangutang, mang-away etc. sa aki'y malaya niyo itong magagawa sa pamamagitan ng pagsusulat sa tagboard kong makikita sa ilalim navagation bar na "TAG".
Let's Start, shall we?
Dahil ito ang unang beses na magsusulat ako sa blogsite na ito, aking ilalahad ang kakaunting kaisipan ukol sa mga pagsubok na nararanasan ng mga mambablog (bloggers) sa una nitong post.
Ang mga tanong na pumapasok sa isip ng mga mambla-blog tuwing magsusulat ng artikulo, essay..etc. ay..
- Tungkol saan naman kaya ang isusulat ko?
- Paano ko kaya papagandahin ang pagsusulat upang mahikayat ang mga mambabasang tapusin ang isinulat ko?
- Paano ko kaya sisimulan/wawakasan ang isisulat/isinulat ko?
- Paano Fill in the Blank ?
Isa lamang yan sa mga libo-libong halimbawang tanong na kasalukuyan kong naiisip. Kung iyong susuriin, kasalukuyan nanaman akong nangangatog sapagkat wala akong mailagay na makabaluhan para sa unang post sa blogsite na ito. Kaya kung iyong mamarapatin, wawakasin ko na lamang ang post na ito sa pamamagitan ng paglalahad ng rason kung bakit ako gumawa ng bagong site na tinaguriang "Pating Pating Pagong!" Wo0ot~!!
Matagal-tagal na din akong nagsusulat; Sa internet, blogs, scratch paper, pader, likod ng notebook, likod ng bahay etc. Basta ba may pagkakataon, magsusulat ako. Ngunit, matagal-tagal na din akong huminto dito dahil sa mga bagay bagay na isusulat ko sa ibaba.
- Nawalan ako ng ganang mag-sulat dahil sa isang bagay na tawagin na lamang nating "sikretong malupit".
- Masyado akong naging abala nung mga nakalipas ng buwan.
- Bumaba ang tinatawag kong "Self-Esteem" pagdating sa pagsusulat.
- Wala din namang nagbabasa o gusto magbasa ng mga isinulat ko kaya lalong bumaba ang "self-esteem" at lalong nawalan ng gana sa pagsusulat.
Nawala ang mga taong itinuturing insipirasyon upang ipagpatuloy ang paghinga at pagsusulat. [under probation]
- Tinamad na din ako sa dalawang naunang blogsites; The Last Carnivorous Butterfly at Welcome to my Banaba World. [Kindly visit na rin]
- At tulad ng naunang listahan, Fill in the Blank.
Mapapasabi nga namang ng "Sayang" ang bawat taong nakilala at makikilala ko kung hindi ko ginamit ang pagsusulat sa tamang paraan at panahon. Lalong Sayang kung meron din naman akong potensyal kahit papano pagdating sa bagay na ito (talaga lang ha?). Kaya ngayon, ako'y muling nagbabalik-loob sa mundo ng pagsusulat. Nawa'y maging gabay ang blog na ito para sa akin (sanayin nitong muli ang nagtutulug-tulugan, nawala at nagwawalang "writing skills") at para sa iyo mambabasa (may mabuti sanang maidulot ang pagbabasa mo sa aking blogsite).
.........
CLASS DISMISSED!
PS.
Kung isa ka sa mga mambabasa ng site na ito, Maraming salamat at nawa'y mapadpad ka sa "Tag board" kong ika nga'y gutom sa sentimiyento't papuri.
Other
Put anything you want photos, music, poems, tag.
Other
Put anything you want photos, music, poems, tag.
Other
Put anything you want photos, music, poems, tag.