Friday, September 22, 2006
Alinsunod sa desisyon ng iba ang aking kapalaran. Alisunod sa agos ng mundong aking kinagagalawan.
Minsa'y ninais kong maglakbay dagat at sisirin ang kalagitnaan nito. Subalit sa t'wing sinasagwan ang bangkang siyang lulan ay tila may matinding pwersang humihila sa akin pabalik ng pampang habang. Naisin ko mang ulit-ulitin ang pagsasagwa'y patuloy pa rin akong ibinabalik sa aking pinanggalingan. Nakapagtataka isipin kung paano nakakarating ang ibang mga manlalakbay o mangingisdang tulad ko sa nais nilang paroonan, at nakamamanghang isipin na sa kabila ng pagsubok na tinatahak ko sa paglalakba'y nakakabalik pa rin sila bago mag bukang liwayway. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit at pagkayamot tuwing nakikita silang nagiimbak ng mga isda sa mga kaban ng mga tindera. Kasabay din nito ang pangingilid ng luha sa tuwing naalala ang masalimuot kong kapalaran.
Nang minsan akong naglakad sa dalampasigan upang magpahangin at makapag-muni'y tumambad sa aking isipan ang pagsuko sa siyang pinakamimithi, ang pumalaot upang makapaglakbay o makapangisda man lamang. Palibhasa'y mag-isa lang akong pumapalaot ay kakaunti lamang ang nakapapansin at malimit na walang tumutulong sa akin sa paglalayag. Hindi ko na nga alam kung tunay pa ba ang pag-agos ng alon sa laot. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang bigla akong makaramdam ng malamig na pagtulo ng luha. Ang pagdampi ng hangin sa aking mukha ang siyang nagpapatuyo sa naghahabulang luhang kanina lang ay nakikipaglaro ng taguan. Dito ko lang napagtanto na maaring hindi na ko makakarating sa pinakaasam-asam na bahagi ng karagatang kakikitaan ng bangis. May pag-asa pa kayang matupad ang mga hinaing? Mapapansin pa kaya ko ng mga taong dumadaan?
Pinunasan ko ang mukhang natuyuan ng luha't padausdos na tumakbo pauwi ng bahay.
Friday, September 15, 2006
People had been calling the girl in the picture "Ayee" all the time (I hope you'll understand why the name "Ayee" is printed on the top of this profile). But who is this "Ayee" anyway?
Whoever this
"Ayee" is, let me give you a short background of this chinkey-eyed girl.
Hmm let me see..
Nowadays, you'll find her in her medium-sized sanctuary of disorganized garments and properties scattered on the floor. She might be spending her time there playing with the fields of her dreams and snoozing even though the sun is already up. She might have also thought of listening to CD's for a little bit of amusement or sometimes slouching on the covers of her bed and reading some sort of a good book. But sometimes, she's just plain staring at the ceiling, thinking how fortunate Fortunato was for he was totally clueless when Montresso killed him at the vault where The Cask of Amontillado can be found...Just staring at the ceiling and wishing she could be Fortunato so she won't be worrying enough to be in soltitude with the sheets and covers of her silent sanctuary. One thing's for sure, That
"Ayee" seems confident enough to write her bittersweet experience on the "About Me" part of this profile because she's sure not everybody can understand her. Including Montresso.
And oh! By the way, That
"Ayee" happened to be me.
[Ito nga pala ang laman ng profile ko nung mga nakaraang buwan. Matagal-tagal ko din itong hindi pinalitan, at matagal-tagal ko na ding itong tinanggal. Ang sinumang makakapagpapaliwanag sa akin kung ano ang nais iparating ng sanaysay na ito'y aking gagantimpalaan ng buchi at sarsi.]
Thursday, June 01, 2006
Ika-1 ng Hunyo, 2006 sa ganap na alas-tres ng hapon ko isinulat ang pinaka-unang post ng taon. Tulad ng isang back-to-school scenario, ituring natin itong First day of classes. Kayo, mambabasa, ang aking mga estudyante at ako naman ang inyong guro. Sisimulan natin ang lahat sa isang "Simpleng Pagpapakilala". Ang pangalan ko ay Ayee at narito ako upang ihayag ang bawat opinyong nais kong ipahayag. Nandito rin ako upang isalaysay ang mga bagay-bagay na nagaganap, napapansin at nais maganap sa ating kapaligiran. At kung saka-sakaling maka-enkuwentro kayo ng mga "out of this world" na post ay maramating pagpasensiyahan na lamang dahil napapadalas din ang pag-andar ng imahinasyon at kahibangan ko. Kung nais niyo namang i-tama ang mga pagkukulang sa pagsusulat, magpahayag ng komento ukol sa nasabing post, puriin ang bawat post at ang may-akda, mangumusta, mangutang, mang-away etc. sa aki'y malaya niyo itong magagawa sa pamamagitan ng pagsusulat sa tagboard kong makikita sa ilalim navagation bar na "TAG".
Let's Start, shall we?
Dahil ito ang unang beses na magsusulat ako sa blogsite na ito, aking ilalahad ang kakaunting kaisipan ukol sa mga pagsubok na nararanasan ng mga mambablog (bloggers) sa una nitong post.
Ang mga tanong na pumapasok sa isip ng mga mambla-blog tuwing magsusulat ng artikulo, essay..etc. ay..
- Tungkol saan naman kaya ang isusulat ko?
- Paano ko kaya papagandahin ang pagsusulat upang mahikayat ang mga mambabasang tapusin ang isinulat ko?
- Paano ko kaya sisimulan/wawakasan ang isisulat/isinulat ko?
- Paano Fill in the Blank ?
Isa lamang yan sa mga libo-libong halimbawang tanong na kasalukuyan kong naiisip. Kung iyong susuriin, kasalukuyan nanaman akong nangangatog sapagkat wala akong mailagay na makabaluhan para sa unang post sa blogsite na ito. Kaya kung iyong mamarapatin, wawakasin ko na lamang ang post na ito sa pamamagitan ng paglalahad ng rason kung bakit ako gumawa ng bagong site na tinaguriang "Pating Pating Pagong!" Wo0ot~!!
Matagal-tagal na din akong nagsusulat; Sa internet, blogs, scratch paper, pader, likod ng notebook, likod ng bahay etc. Basta ba may pagkakataon, magsusulat ako. Ngunit, matagal-tagal na din akong huminto dito dahil sa mga bagay bagay na isusulat ko sa ibaba.
- Nawalan ako ng ganang mag-sulat dahil sa isang bagay na tawagin na lamang nating "sikretong malupit".
- Masyado akong naging abala nung mga nakalipas ng buwan.
- Bumaba ang tinatawag kong "Self-Esteem" pagdating sa pagsusulat.
- Wala din namang nagbabasa o gusto magbasa ng mga isinulat ko kaya lalong bumaba ang "self-esteem" at lalong nawalan ng gana sa pagsusulat.
Nawala ang mga taong itinuturing insipirasyon upang ipagpatuloy ang paghinga at pagsusulat. [under probation]
- Tinamad na din ako sa dalawang naunang blogsites; The Last Carnivorous Butterfly at Welcome to my Banaba World. [Kindly visit na rin]
- At tulad ng naunang listahan, Fill in the Blank.
Mapapasabi nga namang ng "Sayang" ang bawat taong nakilala at makikilala ko kung hindi ko ginamit ang pagsusulat sa tamang paraan at panahon. Lalong Sayang kung meron din naman akong potensyal kahit papano pagdating sa bagay na ito (talaga lang ha?). Kaya ngayon, ako'y muling nagbabalik-loob sa mundo ng pagsusulat. Nawa'y maging gabay ang blog na ito para sa akin (sanayin nitong muli ang nagtutulug-tulugan, nawala at nagwawalang "writing skills") at para sa iyo mambabasa (may mabuti sanang maidulot ang pagbabasa mo sa aking blogsite).
.........
CLASS DISMISSED!
PS.
Kung isa ka sa mga mambabasa ng site na ito, Maraming salamat at nawa'y mapadpad ka sa "Tag board" kong ika nga'y gutom sa sentimiyento't papuri.
Other
Put anything you want photos, music, poems, tag.
Other
Put anything you want photos, music, poems, tag.
Other
Put anything you want photos, music, poems, tag.